-- Advertisements --
Tinambakan ng TNT Tropang Giga ang Meralco Bolts 110-80 para makuha ang 1-0 na kalamangan ng kanilang best of five semifinals ng PBA Governors’ Cup.
Naitala ni Rondae Hollis-Jefferson ang triple doubles na mayroong 22 points, 13 rebounds at 12 assists habang mayroong 21 points si RR Pogoy.
Hindi nama kumpiyansa si TNT coach Jojo Lastimosa dahil tiyak na babawi ang Bolts pagdating ng Game 2.
Kilala aniya nito ang diskarte ni Bolts coach Norman Black na tiyak ang mas malakas na pagbabalik sa Game 2.
Nasayang naman ang nagawang 12 points at 14 rebounds ni KJ McDaniels para sa Bolts.