-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng PBA Governors Cup ang TNT Tropang Giga matapos talunin ang Phoenix Super LPG 132-105.

Nanguna sa panalo ng TNT si Roger Pogoy na nagtala ng 25 points habang mayroong 20 points si Jayson Castro.

Nagtala naman ng triple double si Rondae Hollis-Jefferson na mayroong 18 points, 12 rebounds, 10 assists at apat na steals mayroon namang 19 points at apat na assists si Glenn Khobuntin.

Inamin ni TNT coach Jojo Lastimosa na dismayado ito sa first half ng laro dahil sa matinding depensang ipinakita ng Fuel Masters.

Pagpasok ng 2nd half ay mabilis na na silang nakapag-adjust hanggang tuluyang malusutan ang TNT.