-- Advertisements --

Tinambakan ng Talk ‘N Text Tropang GIGA ang Converge FiberXers 116-92 para matiyak ang pagpasok nila sa semifinals ng PBA Philippine Cup.

Nangibabaw ang Texters sa twice-to-beat advantage na nagtapos sila sa pangalawang puwesto sa elimination round.

Bumida sa panalo ng TNT si Mikey Williams. na nagtala 26 points habang mayroong 18 points si Troy Rosario.

Sa simula pa lamang ng laro ay hindi na hinayaan ng TNT na makaporma ang Converge kung saan umabot pa sa 33 points ang kanilang kalamangan.

Susunod na makakaharap ng TNT ang sinumang manguna sa pagitan ng Magnolia o NLEX para sa best of seven semifinals.