-- Advertisements --

Pasok na sa Finals ng PBA Governors’ Cup ang Talk ‘N Text Tropang Giga matapos talunin ang Meralco Bolts sa Game 4 ng kanilang best- of-five series 107-92.

Dahil dito ay makakaharap ng TNT ang defending champion na Barangay Ginebra.

Bumida sa panalo si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 42 points, 11 rebounds at tatlong assists habang mayroong 21 points si Calvin Oftana.

Nasayang naman ang ginawang 37 points at 12 rebounds ni KJ McDaniels para sa Bolts.

Magsisimula ang best-of-seven finals laban sila ng Ginebra sa Abril 9.