-- Advertisements --
Naitabla sa 2-2 ng Talk ‘N Text ang kanilang best-of-seven PBA Governors Cup Finals ng Barangay Ginebra 116-104 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 36 p oints habang mayroong 17 points si Jayson Castro.
Nakapagtala rin ang TNT ng record dahil sa kanilang kabuuang 21 three points na naitala.
Mula sa simula ay dominado ng Tropang Giga ang kalamangan kung saan sa first quarter ay lumamang sila ng 12 points.
Pinilit pa ng Ginebra na makahabol sa third quarter subalit nananatiling matindi ang ginawang pagbabantay ng TNT.