-- Advertisements --

Minultahan ng PBA si TNT coach Chot Reyes ng P50,000.

Kasunod ito ng kanilang pagkatalo sa Magnolia 94-92 nitong Miyerkules.

Kinumpirma ni PBA deputy commissioner Eric Castro na unang nabigyan ng memorandum para pagpaliwanagin.

Kasama ring napatawan ng multa si TNT team manager Jojo Lastimosa ng P20,000 dahil sa pagtawid din ng court at kinumpronta ang mga game officials at technical table.

Mayroon kasing memorandum na inilabas noong Oktubre 2007 na pinagbabawalan ang mga miyembro ng koponan na lumapit sa mga official table.

Kinukuwestiyon kasi ni Reyes ang pagtawag ng foul kay Calvin Oftana sa natitiang 4.3 seconds ng sinubukan niyang harangin ang bola mula kay Paul Lee ng Hot Shots.