LEGAZPI CITY – Pinag-iingat ng alkalde ng San Andres sa Catanduanes ang mga residente kaugnay ng pinangangambahang pagpasok ng Bagyong Tisoy sa Philippine area of responsibility.
Ayon kay Mayor Peter Cua sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, binigyan na ng direktiba ang mga punong barangay sa bayan na bantayan ang mga residente na nasa landslide at flood prone areas.
Nagkaroon na rin ng pagpupulong ang Municipal Disaster Risk Reduction officials kaugnay ng ilalatag pang mga paghahanda sa naturang bagyo.
Dagdag ng alkalde na nararamdaman na rin ang malakas na alon ng karagatan kaya ipinag-utos na ang pagabawal na pumalaot ang maliliit na sasakyang-pandagat.
Paliwanag ni Cua, mapanganib na ang paglaot kaya pinag-iingat na ang mga mangingisda.
Samantala, nagdiriwang din ngayon ng kapistaha ang parehong bayan subalit aminado ang opisyal na nahaluan ng pangamba ang dapat sanang masayang selebrasyon.










