Masayang ibinahagi ng tinaguriang basketball prodigy na si Kai Sotto ang kanyang larawan kasama ang NBA All-Star Player mula Toronto Raptors na si Pascal Siakam.

Nasa Amerika si Sotto bilang bahagi ng Basketball Without Borders (BWB) Global Camp sa Chicago.

Sa kanyang Twitter post, tila inspired ang 18-year old basketball player nang makaharap ang player ng NBA defending champion team.

“Sometimes it’s not the game on the court it’s the life that the game brings you. Learn from those that walked before you.”

Napasama pa si Kai sa larawang ipinost ng Toronto Raptors sa kanilang Instagram account.

Dating player ng Ateneo de Manila Blue Eagles si Sotto, na ngayon ay kasama ng 63 iba pa na sumali sa BWB camp.