Dalawampung kilo ng shabu na may tinatayang street value na P136 milyon ang nasabat sa Parañaque City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, ang iligal na droga ay nasa possession ng tatlong tao na target sa Barangay Tambo.
Sinabi ni PDEA spokesman Derrick Carreon na dalawa sa mga suspek na sina Mark Joseph Cortez, at Jacqueline Espinosa, ay arestado habang nakatakas ang kanilang kasamahan na si Marion King John Cortez.
Nakakulong ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Kaugnay nito ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pinagmulan ng mga iligal na droga.
Sa kasalukuyan, itinurn-over na sa PDEA ang illegal substance para sa dokumentasyon at tamang disposisyon ng mga nasabat na ipinagbabawal na gamot.