-- Advertisements --

Kinuha ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa kaniyang coaching staff si Barangay Ginebra coach Tim Cone.

Sinabi ni Reyes na hindi matatawaran ang galing ni Cone sa coaching kaya nararapat na ipamalas ang talento nito sa pagsabak ng national basketball team sa World Cup.

Magsisimula ang trabaho ni Cone sa paghahanda ng Gilas para sa 2023 World Cup na magiging co-host ang bansa kasama ang Japan at Indonesia.

Naging coach kasi si Cone ng magwagi ng gold medal ang Gilas sa Southeast Asian Games noong 2019.