-- Advertisements --

Hinihintay pa ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang maaaring ipataw na kaparusahan ng FIBA kay naturalized player Justin Brownlee.

Kasunod ito sa pagbagsak niya sa drug tes noong 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Sinabi ni Cone na ayaw niyang pangunahan ang FIBA at maging ang Samahang Basketball ng Pilipinas.

Nakikipag-ugnayan na ang SBP sa FIBA para malaman kung ano ang maaring ipataw na kaparusahan laban kay Brownlee.

Si Brownlee ang pangalawang atleta ng bansa sa Asian games na bumagsak sa doping test na ang una ay si Filipina cyclist Ariana Evangelista.