Inilabas na ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated nitong Linggo ng hapon ang mga nakapasok sa Top 10 ng idinaos na National Costume Fashion Show.

Sa 34 official candidates, nangibabaw sa botohan ang pagrampa ng mga pambato ng:

BB Ph nat cos
  1. Cavite (Samantha Panlilio)
  2. Bocaue, Bulacan (Vianca Marcelo)
  3. Cagayan de Oro, Misamis Oriental (Cinderella Obenita)
  4. Masbate (Hannah Arnold)
  5. Nueva Ecija (Ma. Ruth Quin)
  6. La Union (Carina CariƱo)
  7. Pampanga (Czarina Guiao)
  8. Angeles, Pampanga (Francesca Taruc)
  9. Rizal (Honey Cartasano)
  10. Tagum City (Anne Ticaro)

Una nang nag-showdown ang “binibini” candidates sa swimsuit competition sa pamamagitan ng virtual o online.

Ang pre pageant activities na ito ay basehan para sa mga gagawaran ng korona sa big night sa darating na July 11 sa Big Dome.

Magsisilbing host sina Binibining Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordoves at si Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray.

At dahil hiwalay na ng franchise ang Miss Universe Philippines, apat na korona na lamang ang igagawad ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated.

Ito ay para sa magiging kinatawan ng bansa sa Miss International, gayundin sa Miss Intercontinental, Grand International, at Miss Globe.