-- Advertisements --
Umatras na sa paglalaro sa Masters si five-time winner Tiger Woods dahil sa kaniyang foot injury.
Sa kaniyang social media, naglabas ito ng pagkadismaya dahil sa pag-atras.
Muling sumakit kasi ang kaniyang plantar fasciitis.
Ito na ang pangalawang beses na ang una ay noong nakaraang taon na napilitang umatras ito sa major championship dahi sa injury.
Pinasalamatan na lamang ng 15-times major winner ang mga fans na hindi nagsawang magbigay ng suporta sa kaniya.
Pagtitiyak nito na sa susunod na mga torneo ay lalahok na siya kapag tuluyan ng gumaling ito.










