-- Advertisements --
Binuksan na ng Ambuklao at Binga dam ang tig-isa gate ng ang dalawang dam dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig na dulot ng mga pag-ulang dala ng bagyong Maring.
Sa adivisory ng Pagasa, dakong alas-6:00 ng umaga kanina nang buksan ng dalawang dam ang kanilang gate na 0.5 meters.
Ang Ambuklao Dam reservoir water level ay nasa 751.62 meters na at malapit na sa 752-meter normal high water level.
Samantala, ang Binga Dam reservoir water level naman ay nasa 571.94 meters ilang metro naman sa normal high water level na 575 meters.