-- Advertisements --

Mabilis na naubos ang tickets sa laban ni football star Cristiano Ronaldo sa China.

Mula ng ianunsiyo ang pagsisimula ng pagbenta ng tickets ay mabilis itong naubos sa loob lamang ng isang araw.

Ang Portuguese star na kasalukuyang nasa Al-Nassr team ng Saudi Arabia ay nag-anunsiyo noong nakaraang buwan na ito ay magtutungo sa China.

Magkakaroon din ito ng friendly games sa pagitan nila ng Shanghai Shenhua at Zhejiang Football Club.

Gaganapin ang unang laban nito sa Enero 24 kontra Shenhua habang ang laban sa Zhejiang ay gaganapin sa Enero 28.