-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi makapaniwala ang pamilya Baeño sa may Purok-7, Barangay Holy Redeemer, Butuan City matapos natagpuan na lamang na nakabitin at wala nang buhay ang kanilang anak na tomboy.

Ang biktima ay nakilalang si Emmalyn Baeño, 33-anyos at may live-in partner na babae sa loob ng siyam na taon.

Nagbigti ito gamit ang cable wire sa loob ng bahay kung saan pumatong pa ito sa mesa upang maisakatuparan ang pagpapakamatay.

Napag-alamang nasa tindahan lamang na hindi naman kalayuan sa pinangyarihan, ang kaniyang live-in partner na si Ping-Ping nang ginawa ang pagbigti.

Sa inisyal na impormasyon, posibling may kaugnayan sa 3rd party ang dahilan sa pagpapakamatay ng biktima, base na rin sa pahayag sa kaniyang ina na si Paz Baeño.

Ayon sa ina nito, labis na lamang ang kanilang pagkabigla sa pangyayari ngunit aminado itong palagi na lamang na na-aaway ang dalawa na may pagkakataon pang gumamit ang ito ng kutsilyo.

Inihayag pa sa ina na hindi sila nagkulang sa pagbigay ng payo sa kanilang anak kahit noong bago pa lamang ang pagsasama nito sa nasangpit babae.