-- Advertisements --
Masayang ipinamalita ng Canadian singer na si The Weeknd na patuloy na ang kaniyang paggaling.
Noong nakaraang linggo kasi ay hindi niya itinuloy ang kaniyang concert sa Los Angeles matapos na mawalan ng boses.
Ayon sa medical team ng singer na si Abel Tesfaye sa tunay na buhay ay nakabalik na ang kaniyang boses.
Posible sa mga susunod na araw ay makakabalik na ito sa pagsagawa ng concert.
Isasagawa niya sa darating na Setyembre 22 ang concert sa Toronto, Canada matapos na unang kinansela ng magkaroon ng technical problems.