-- Advertisements --
Tuluyan ng namaalam si WWE ang sikat na wrestler na si The Undertaker o Mark Calaway sa totoong buhay sa loob ng 30 taon paglaban.
Isinagawa nito ang pamamaalam sa isang ceremony sa Survivor Series.
Ilan sa mga nagbigay ng tribute sa kaniya ay ang tinaguriang kapatid nitong si Kane.
Nauna ng inanunsiyo nito ang pagreretiro ng ipalabas ang kaniyang documentary na “Undertaker, The Last Ride” noong Hunyo.
Huling laban nito ay sa WrestleMania 36 kung saan tinalo niya si AJ Styles.
Ibinurol nito ang kalaban sa isang bakanteng puntod.
Sa kanilang mga social media ipinarating ng ilang wrestler ang kanilang kalungkutan sa pagreretiro ni Undertaker.
Pinangunahan ito nina John Cena, Triple H at iba pa na nagpost ang mga ito ng larawan ng sikat na wrestler.