-- Advertisements --

Mas magiging maingat na ang action star na si Dwayne “The Rock” Johnson sa panahon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito’y kasunod ng rebelasyon na nagpapagaling pa ito matapos tamaan ng COVID-19, gayundin ang kanyang misis at mga anak na edad apat at dalawang taong gulang lamang.

Ayon sa 48-year-old American-Canadian wrestler turned actor, posibleng nakuha nila ang deadly virus sa naging bonding nila sa sariling bahay kasama ang “very close family friends.”

Tanging sore throat lang aniya ang naging sintomas ng kanyang dalawang anak, at sila ng kanyang wife one year ang medyo nahirapan.

Payo ng “Jumanji” star sa publiko, maging istrikto sa kung sino ang mga papapasukin sa bahay.

Hangga’t maaari raw ay tiyaking dumaan sa COVID testing ang mga papatuluying bisita at huwag balewalain ang simpleng pagsusuot ng face mask.

https://www.instagram.com/p/CEppiNRlpvs/