-- Advertisements --

Inihayag ni Tingog Party-List Representative Jude Acidre na imposibleng gawa-gawa ang testimonial ni Ramil Madriaga.

Aniya, may matibay na kredibilidad ang testimonya ni Madriaga laban kay Vice President Sara Duterte, dahil sa detalye at consistency ng kanyang sinumpaang salaysay.

Ayon kay Acidre, kapag itinugma ang testimonya sa findings ng Commission on Audit, makikita ang umano’y pattern sa paggamit ng pondo.

Nauna nang tinanggihan ng COA ang hiling ng kampo ng bise presidente na repasuhin ang disallowance sa P73 milyong confidential funds.

Sa pagdinig ng House justice panel, iginiit ni Madriaga na personal niyang inilabas ang P125 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) sa loob ng isang araw, na umano’y utos ni VP Sara, at nagprisinta pa ng mga ebidensya tulad ng tseke.

Itinanggi naman ng Pangalawang Pangulo ang mga paratang at sinabing may bahid pulitika ang isyu.

Naghain din ang Bise Presidente ng petisyon sa Korte Suprema upang ipahinto ang impeachment proceedings.