-- Advertisements --

Sinimulan na ang test broadcast ng Department of Education (DepEd) TV ngayong araw.

Sa abiso ng DepEd, mapapanood sa IBC at Solar learning channels ang mga programa ng DepEd TV.

Tatagal umano ang test broadcast hanggang Agosto 21.

Ang ilalabas na mga video ay audio lectures gayundin ang ready-to-print na Self-Learning Modules at Electronic Self Learning Modules at iu-upload din sa DepEd Commons.

Ayon pa sa ahensya, ang video lessons sa ibang grade level ay maidadagdag sa mga susunod na araw.