Inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sa pakikipagtulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang libreng financial course para sa mga mga kabataang Pilipino.
Ang nasabing kurso, na maaaring ma-avail online, ay inaasahang magpapalakas sa financial health at financial capability ng higit apat na milyong technical-vocational learners.
Ayon kay TESDA Director General Danilo Cruz, kailangan ang financial literacy para sa paghahanda ng mga tech-voc learners sa pagpasok sa mga trabahong hatid ng 21st Century.
Umaasa ang opisyal na makakatulong ang libreng financial course sa mga learners na mahubog ang kanilang self-management strategies sa paghawak ng sarili nilang pera, pagbuo ng financial decisions, at pag-abot sa kanilang mga career goals.
Samantala, maaari namang ma-avail ng publiko ang Financial Literacy Course (FLC) sa pamamagitan ng TESDA Online Program (TOP) sa www.e-tesda.gov.ph.