-- Advertisements --

Nagtala ng isang malaking panalo ang Terrafirma Dyip matapos talunin nila ang Barangay Ginebra 91-85.

Kapwa nagtulungan sina Juami Tiongson at Javi Gomez de Liano para makuha ang ikalawang panalo sa 23 laro ng magkaharap sila ng Gin Kings sa kasaysayan ng prankisa ng koponan.

Mayroon ng apat na panalo at tatlong talo ang Dyip habang ang Ginebra ay mayroong tatlong panalo at tatlong talo.

Mayroong 25 points na naitala si Tiongson habang si Gomez ay mayroong 22 points na naitala.

Sinabi ni Terrafirma coach Johnedel Cardel na naging sulit ang ginawang pag-ensayo ng koponan para talunin ang Ginebra.