-- Advertisements --

Nalusutan ng Terrafirma Dyip ang NorthPort 110-108 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nabuhat ni Stephen Holt ang pinakamahalagang basket para makuha ang panalo sa natitirang ilang segundo ng laro.

Hawak pa ng Dyip ang kalamangan na may 12 puntos at ito ay nahabol ng Batang Pier.

Nanguna si Holt na mayroong 22 points, 12 rebounds at limang assists habang mayroong 19 points at limang rebounds si Mark Sangalang at nag-ambag naman ng 21 points at anim na assists si Juami Tiongson.

Pinuri ni Terrafirma coach Johnedel Cardel ang kaniyang manlalaro dahil sa sipag na ipinamalas nila sa laro.