Nakapagtala na rin ng kanilang unang panalo matapos ang 26 na laro sa PBA ang Terrafirma Dyip.
Ito ay matapos na talunin nila ang NLEX RoadWarriors 124-114 sa overtime game sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo ng Dyip ang kanilang import na si Lester Proper na nagtala ng 50 points at 19 rebounds para maihaon ang koponan na wala pang panalo mula noong Pebrero 2021.
Nagtala naman ng 18 points si Philip Cahilig habang 15 ponts naman ang nagawa ni Eric Camson para sa Dyip.
Hawak pa ng Dyip ang 17 points subalit nahabol ito ng NLEX sa last quarter at maitabla sa 108 kaya umabot ng overtime.
Pagdating ng overtime ay pinilit ng NLEX na makahabol subalit hindi nagpatinag ang Terrafirma import na si Proper at dinala ang koponan.