-- Advertisements --

Tinalo ng Terrafirma ang Blackwater 97-87 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center.

Nanguna sa panalo ng Terrafirma si Juami Tiongson na nagtala ng 25 points para makuha ng koponan ang unang panalo nila sa conference.

Nakapag-ambag naman ng 17 points at limang rebounds si Javi Gomez habang mayroong 19 points at siyam na rebounds si Kemark Carino.

Sa simula ay dominado ng Dyip ang laro at hindi nakalamang ang Blackwater.

Sinabi ni Terrafirma coach Johnedel Cardel na ayaw nilang maulit pa ang nangyaring pagkatalo nila noong nakaraang makaharap ang Blackwater.