-- Advertisements --

Hindi pa magpapatupad ng pagtaas sa terminal fees o passenger service charge sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) hangga’t wala pang notable improvements ayon kay Department of Transportation Sec. Jaime Bautista.

Inihayag ito ng kalihim kasabay ng paglagda ng concession agreement para sa NAIA-Public-Private Partnership Project sa Malacanang Palace ngayong araw.

Saad pa ng kalihim na posibleng abutin ng 1 o 2 taon bago makita ang upgrades sa pangunahing international gateway ng bansa kung saan makikita ang magandang travel experience na hindi na masyadong mahaba ang pila at mas malamig na ang terminal.

Binigyang diin naman ni Sec. Bautista sa Consortium na nagwago sa P170.6 billion NAIA rehabilitation project na dapat makamit ang mga measure na itinakda ng national government para mapaganda ang travel experience ng mga pasahero na magtutungo sa NAIA.