Tanging sa makabuluhang dayalogo lamang maiiwasang lumala ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
Ito ang iginiit ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Senadora Imee Marcos.
Binigyang-diin ni Marcos na walang saysay ang katapangan ng mga Pilipino kung hindi naman handa ang bansa dahil walang balang panlaban.
Batay ito sa pinakahuling report ng Commission on Audit kung saan bigo ang Government Arsenal ng Department of National Defense (DND) na makapag-produce ng arms and ammunitions sa kabila ng P455 million na ginastos dito noong 2023.
Naniniwala si Marcos na walang weapons system kahit pa ang pinakamakabago ang makapagpapatigil sakaling magkaroon ng. giyera.
Hinimok din ng mambabatas ang pagsasagawa ng multilateral discussions sa iba pang mga claimants sa disputed water kabilang ang China, Brunei, Vietnam, Malaysia, Indonesia, at Taiwan sa tuwing may mga mangyayaring insidente sa pinag-aagawang teritoryo at ang muling pagbuhay sa Self-Reliant Defense Posture (SRDP) program ng bansa.