-- Advertisements --
Umatras na sa paglalaro ng Western & Southern Open tennis tournament si Japanese star Naomi Osaka.
Ito ay bilang pagpapakita ng protesta sa nagaganap na racial injustice.
Isinagawa ng 22-anyos na tennis star ang pag-atras sa torneo matapos ang pagpasok nito sa semifinals ng nasabing torneo.
Magugunitang ilang mga sporting events sa US gaya ng basketball at baseball ang nagkansela ng kanilang mga laro bilang protesta sa pamamaril ng mga kapulisan sa isang African-American na si Jacob Blake sa Wisconsin.
Kinansela na rin ng organizer ng tennis tournament ang nasabing mga laro nitong Huwebes bilang pakikibahagi sa protesta at ito ay nakatakdang ipagpatuloy sa mga susunod na araw.