-- Advertisements --
Nakatakdang muling sumabak sa torneo si four-time grand slam champion Naomi Osaka.
Ito ay matapos ang anim na buwan ng magsilang ng unang anak niya.
Mula kasi noong Setyembre 2022 ay hindi na ito naglaro at nitong Hulyo 2023 ay inanunsiyo niya ang pagsilang ng anak niya sa asawang American rapper na si Cordae.
Ayon sa 26-anyos na si Osaka na sabik na ito ng maglaro sa Brisbane International tennis tournament.
Gaganapin ang nasabing torneo mula Disyembre 31, 2023 hanggang Enero 7, 2024 na isang warm-up events bago agn Australian Open.