-- Advertisements --
Nakatutok ngayon ang mga tennis fans sa US Open dahil sa ito na ang huling pagkakataon na mapanood nila si tennis star Serena Williams.
Noong nakaraang mga linggo kasi ay inanunsiyo niya ang napipintong pagreretiro dahil nais niyang tutukan ang buhay pamilya nito.
Makakaharap niya sa first round ng torneo si Danka Kovinic ng Dominican Republic.
Ang 23- grand Slam champion ay unang nakuha ang US Open title noong 1999 ng talunin niya si Martina Hingis sa finals.
Huling naglaro si Serena noong Hunyo matapos ang isang taon na pamamahinga dahil sa injury.
Magugunitang nagkaubusan na ang tickets ng US Open ngayong taon mula ng ianunsiyo ni Williams ang kanilang huling paglalaro at tuluyang pagreretiro.