LA UNION – Tiniyak ng team Thailand na gagawin ang “best” nila sa final round ng surfing competition ngayon araw kung saan nakahanda na ito para sa gold/silver medal round ng kampeonato.

Isa lamang si Anissa Flynn sa mga lalahok para final round at inaasahan ng kanyang team.

Ito ang unang beses na gold medal sa SEAG ni Flynn kung mabibigyan ng pagkakaton manalo.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Flynn, hindi ito nagpapakampante ngunit gagawin umano nito ang makakaya para kampeonato.

Kung maalala, sa qualifying round 3 kamakalawa sa shortboard womens category heat 1 ay tinalo ng Thailand ang Pilipinas sa score na 10 habang ang Pilipinas ay nakakuha ng 9.50.