-- Advertisements --

Nanatili sa ika-apat na pwesto ang Team Pilipinas bago pa man ang pormal na opening ceremony ngayong gabi sa ginaganap na Southeast Asian Games (SEA Games) sa Hanoi, Vietnam.

Sa latest medal tally, nakatipon na ang Pilipinas ng isang gold medal, limang silver medals at limang bronze sa kabuuang 11 mga medalya.

Habang nangunguna naman ang host Vietnam na meron ng 10 gold medals, pangalawa ang Malaysia na may siyam na gintong medalya at Indonesia na meron ng tatlong medalyang ginto.

Magtatapos ang SEA Games sa Mayo 23.