-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nakatakda ng sampahan ng kaso ang isang elementary teacher sa Negros Occidental matapos umanong mang-molestya ng estudyante.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Maj. Sherlock Gabana, station commander ng Bacolod City Police Station-7 na mismong ina ng mag-aaral ang nagsumbong sa pulisya na minolestya umano ito ng Grade 4 teacher.

Batay sa salaysay ng 13-anyos na biktima, kasama nito ang kanyang nakababatang kapatid sa kanilang bahay nang pagtangkaan ng inaakusahang guro.

Agad daw nagsumbong ang kapatid ng biktima makaraang makauwi ito sa kanilang bahay.

Nabatid na magkaibigan ang itinuturong salarin at mga magulang ng biktima kaya ito laging nakabibisita sa kanilang bahay.