GENERAL SANTOS CITY – Sinagot na ni T’boli Municipal Mayor Dibu Tuan ang show cause order ni DILG USec Epimaco Densing matapos magpaturok ng bakuna na wala naman sa priority list .
Idinaan umano ni Mayor Tuan ang sagot sa MILGO at Provincial DILG . Umaasa naman si Tuan na kampihan siya ng DILG matapos nagpaturok ng bakuna nuong Marso 19 nitong taon matapos kumalat sa online na namilit ito sa mga health worker na maturukan.
Ayon pa nito na inimbitahan siya bilang chairman ng Municipal Isolation unit at myembro ng lokal task force covid. Pagkahapon umano ulamis umano ito subalit tinawagan ng mga health staff at pinaalam na hindi dumating ang apat na nasa priority list .
Dagdag nito na yun ang huling vial kayat hindi na nagdalawang isip pa kayat pumunta sa lugar at nagpaturok ng bakuna.
Importante din umano na mapakita sa mga residente ng T’boli na hindi katakutan ang bakuna gayong hindi na alam kung sino pa ang tatlo na sumunod sa kanya.
Kultura din ng mga tribu na susundin ang ginawa ng kanilang lider sa pagpaturok ng bakuna gayong takot ang karamihan sa kanila sa pagpabakuna.
Pinasagot din nito ang apat na hindi dumating na siyang dahilan para madawit sa isyu.