-- Advertisements --

Opisyal nang nagpakasal ang pop superstar na si Taylor Swift at ang American football player na si Travis Kelce nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 3, 2026, sa isang marangyang seremonya sa Madison Square Garden (MSG) sa New York City.

Ang kanilang matalik na kaibigan at kilalang komedyante na si Adam Sandler ang nagsilbing officiator na nagkasal sa dalawa.

Bagama’t umani ng batikos at reklamo mula sa ilang residente ang naging preparasyon, naging matagumpay ang tinaguriang “wedding of the century”

Umani ng matinding pambabatikos mula sa publiko at mga motorista ang kasal dahil ipinasara ang mga kalsada sa paligid ng Madison Square Garden.

Naapektuhan nito ang trapiko sa Midtown Manhattan sa mismong long weekend ng Fourth of July.

Dahil sa higit 1,000 sikat na bisita, binalot ng dambuhalang mga kurtina, barikada, at New York Police District checkpoint ang isa sa pinaka-abalang transit hub ng New York, na ikinagalit ng mga regular commuter.

May mga netizens din sa social media na bumatikos sa labis na atensyong ibinigay ng media sa kasal, at tinawag itong “isang malaking biro” habang marami ang mas mahahalagang isyu sa mundo.

Hindi sumunod sa tradisyon ang magkasintahan. Sa halip, ang kapatid ni Taylor na si Austin Swift ang nagsilbing Man of Honor, habang ang kapatid naman ni Travis na si Jason Kelce ang naging Best Man.

Parehong nagsuot ng custom Christian Dior Haute Couture ang bagong kasal na idinisenyo ni Jonathan Anderson, kapares ng custom Christian Louboutin na sapatos. Naroroon din ang Cartier jewelry para sa singer.

Matapos silang maikasal, biglang umilaw ang mga dambuhalang screens sa labas ng MSG at maging ang Empire State Building na kulay pink at lavender na may nakasulat na “JUST&T MARRIED!” upang anunsiyo ito sa buong lungsod.