-- Advertisements --
Pangungunahan nina Taylor Swift at Katy Perry ang isasagawang online concert para sa special Stonewall Day event.
Gaganapin ang nasabing online concert sa Hunyo 26 bilang bahagi ng pagtatapos ng pride month.
Ang nasabing concert ay bilang paggunita sa 1969 Stonewall Riots at Supreme Court’s 2015 ruling sa marriage equality ni Obergefell v. Hodges.
Ilan sa mga inaasahan magpeperform ay sina Demi Lovato, Hayley Kiyoko, Cynthia Erivro at iba pa.
Bagamat libre ang nasabing concert ay hinikayat nila ang mga manonood na magbigay ng donasyon para paglikom ng pondo ng LGBTQ at youth organization na apektado ng COVID-19.










