-- Advertisements --
Inatasan ng judge sa Barcelona ang Grammy-winning singer na si Shakira na dumalo sa pagdinig ng kaso nitong tax fraud.
Ayon kasi sa prosecutors sa Spain na hindi pagbabayad ng personal income at wealth tax mula 2012 hanggang 2014.
Nagkakahalaga ang hindi nabayarang buwis na aabot sa $15.8 million.
Una ng itinanggi ng singer ang nasabing alegasyon.
Base sa Spanish authorities na nanirahan sa Spain ang singer ng 183 araw mula 2011 at 2014 na itinanggi ng singer at ang primary residence niya noon ay sa Bahamas.