Lalo pang tumaas ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon.
Ayon naman kay Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr, ang pinagsama-samang koleksyon mula Enero hanggang nitong Mayo ay umabot sa P1.056 trilyon.
Mas mataas ito anya ng hanggang 9.94% kumpara sa P95.454 bilyong tax na kanilang nakulekta sa kaparehong period noong 2022.
Ayon kay Comm Lumagui Jr, target nilang makakolekta ng P2.599 trilyon.
Ito ay mas malaki ng 11% kumpara sa naging koleksyon nito noong nakalipas na taon.
Tiwala naman si Comm Lumagui Jr. na maaabot ng Kawanihan ang annual collection target ngayong 2023, sa pamamagitan ng mas pinalawak na tax collection and enforcement activities
Pinaalalahanan din ng BIR Official ang publiko na magbayad ng tamang tax at huwag tangkilikin ang mga pekeng resibo.