Kaliwa’t kanang kritisismo ang hinaharap ngayon ng mga mamamayan sa China dahil umarangkada pa rin ang taunang dog meat festival sa syudad ng Yulin sa Guangxi Zhuang, China.

Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Para sa nakararami, ang pagpatay at pagbebenta sa karne ng aso ay hindi lamang nakakadismaya ngunit lubha ring mapanganib. Una nang nagbabala ang World Health Organization na an naturang dog trade ay posible lamang magkalat ng rabies at cholera.

Magugunita na noong nakaraang taon nang magsimula sa Wuhan ang coronavirus outbreak na pinaniniwalaang nanggaling sa paniki bago lumipat sa dugo ng tao sa pamamagitan ng intermediary species sa palengke.

Dahil sa pandemic, ipinag-utos ng Chinese government ang pagbabawal sa trading ng wild animals sa bansa. Naglabas naman ng guidelines ang agricultural ministry na dapay i-classify ang mga aso bilang alaga at hindi bilang pagkain.

Tatagal ang naturang festival hanggang Hunyo 30, 2020.