-- Advertisements --

Kinumpirma ng liderato ng Senado na nakatanggap sila ng impormasyon na nasa kamay na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nag-leak ng impormasyon ukol sa paparating na halalan.

Ang naturang personalidad ay dati umanong tauhan ng Smartmatic, na namang service provider ng comelec para sa mga gagamiting vote counting machines sa May 9, 2022 elections.

Tumanggi muna ang mga senador na isiwalat ang iba pang detalye ng nailabas na impormasyon, habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Sinasabing may nag-alok ng pera sa dating personnel ng Smartmatic, para lamang mailabas ang ilang impormasyon.

Sa pananaw ng mga mambabatas, may pananagutan ang kumpanya sa pangyayari dahil pasilidad nila ang nagamit para sa naturang hakbang na nauwi sa breach of information.

Iinaasahang maglalabas ang senate panel ng kanilang committee report ukol sa nasabing usapin.