-- Advertisements --
usmarines1

Tatlong US Marines ang nasawi sa pag-crash ng aircraft sa baybayin ng northern Australia habang naghahatid ng mga tropa sa isinasagawang routine military exercise.

Kinumpirma din ng Marine Rotation Force-Darwin, na limang iba pa ang dinala sa Royal Darwin Hospital dahil sa malubhang kondisyon.

Inihayag pa na kabilang sila sa 23 Marines sa MV-22B Osprey tilt-rotor aircraft nang bumagsak ito at patuloy pa ring inaalam ang sanhi ng pag-crash ng aircraft.

Naganap ang pag-crash sa liblib na Tiwi Islands dakong 9:30 ng umaga.

Tinawag ng Punong Ministro ng Australia na si Anthony Albanese na “tragic” ang insidente, at sinabing sinusuportahan ng Osprey ang Exercise Predators Run 2023 military exercise.

Dagdag pa, walang mga Australian personnel ang hindi nasangkot sa pag-crash.

Gayunpaman, humigit-kumulang 2,500 personnel mula sa Australia, Estados Unidos, Pilipinas, Indonesia at East Timor ang nakibahagi sa mga pagsasanay.