Dalawang British national at isang Moroccan na hawak ng pro-Russian, self-proclaimed Donetsk People’s Republic (DPR) ay naghahanda ng kanilang mga apela sa death penalty.
Ang mga mamamayang British na sina Sean Pinner at Aiden Aslin, at Moroccan national na si Brahim Saadoune ay hinatulan ng kamatayan noong unang bahagi ng buwang ito matapos akusahan ng pagiging “mercenaries” para sa Ukraine.
Sinabi ng mga awtoridad ng DPR na ang tatlong lalaki ay mga foreign fighters na nahuli ng mga Russian forces sa katimugang lungsod ng Mariupol noong Abril.
Iniulat ng isang Russian state media outlet na babarilin sina Pinner, Aslin, at Saadoune.
Sinabi naman ng abogado ni Pinner na ang kanyang team ay naghahanda ng mga dokumento para maghain ng apela, at idinagdag na kung ito ay tatanggihan, maghahain sila ng petition for clemency.