
Nagpapataas ng lebel ng tubig sa tatlong malalaking dam sa lalawigan ng Bulacan sa mga spilling level ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na dulot ng northeast monsoon at pinalakas ng Low Pressure Areas (LPAs)
Hinimok ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga residenteng nakatira sa tabing ilog na magsagawa ng pag-iingat dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa reservoir ng Angat Dam.
Sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na nasa 213.21 metro na ang lebel ng tubig ng Angat Dam at tumaas ito sa 215.03 metro na higit sa normal nitong mataas na lebel ng tubig na 212 meters.
Iniulat din ng ahensya na umabot na sa 101.18 meters ang lebel ng tubig sa Ipo dam na 101 meters ang spilling level habang umabot sa 17.40 meters ang lebel ng tubig sa Bustos dam na may 17 spilling meters level.
Upang mapanatili ang katatagan ng Angat Dam at ibaba ang reservoir elevation sa ligtas na antas, bubuksan ng mga operator ng dam ang spillway gate nito upang unti-unting ilabas ang labis na tubig na dulot ng patuloy na pag-ulan sa hilaga at Gitnang Luzon.
Dagdag dito, upang mapigilan din ang pagtaas ng tubig sa Ipo at Bustos Dam, bubuksan din ang gate nito upang unti-unting magpalabas ng tubig na dadaloy sa coastal municipalities ng Calumpit, Hagonoy, at Paombong.
Una na rito, inihayag ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang suspensiyon ng mga klase para sa antas ng Elementarya at Mataas na paaralan, pampubliko at pribadong antas.










