-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 25 11 06 21

BUTUAN CITY – Bumubo na ng Special Investigation Task Group (SITG) Apolinario ang Police Regional Offic (PRO) 13 na syang tutumbok sa mga ari-arian ni Kabus Padatoon (KAPA) Community Ministry International Incorporated founder Joel Apolinario.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Police Lt. Col. Choli Jun Caduyac, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Caraga, kasama sa kanilang aalamin ang mga mga ginamit na dummy ni Apolinario para sa iba pa nyang mga ari-arian upang ito ay ma-freeze.

Sakaling malaman nila ang mga ginamit nitong dummies ay karagdagang kaso na naman ang kanilang isasampa upang may makukuha na ang pamahalaan para maibigay naman sa mga nagsasampa ng kaso laban sa KAPA at kay Apolinario nang hindi na maibalik sa kanila ang pinangako sa kanilang malaking return of investment.