-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagtalaga na ng task force ang Police provincial Office sa Surigao Del Norte na siyang tututok sa imbestigasyon sa pagpaslang sa dating huwis sa Municipal Trial Court sa bayan ng Dapa, Surigao del Norte na si Atty. Exequil Dagala.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Police Lt. Col. Christian Rafols, Regional Information Officer sa Police Regional Office (PRO-13), inihayag nitong nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril kung saan isa sa mga sinisilip na anggulo ay may kinalaman sa trabaho at personal na away.

Ayon sa opisyal kursunada ang 3 mga suspek kung saan sinira nito ang pintuan ng tahanan ng biktima, gayun din sa pinto ng silid nito sa pangalawang palapag at doon ay pinagbabaril ang mahimbing na natutulog na biktima katabi ang kanyang anak na nagtamo rin ng sugat sa kamay. Tumakas ang mga suspek sakay sa van na posibleng nakalabas na sa isla.

Kinumpirma din ni Rafols na walang lisensiya ang narekober na caliber 45 na pistola sa loob ng kwarto na pagmamay-ari ng biktima.