-- Advertisements --

Inatasan ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang pagtatatag ng isang task force na mag-iimbestiga sa umano’y nagaganap na anomaliya sa mga proyekto ng ahensya.

Batay sa Department Order noong Oktubre 17, ang DPWH Task Force against graft and corruption ang sisiyasat sa mga katiwalian bumabalot sa ahensya base sa mga matatanggap nitong hinaing.

Pangangasiwaan ito ni DPWH Assistant Secretary Meljohn Versoza, na siya ring head ng Legal Services and Special Concerns unit ng ahensya.

Magsisilbing vice chairperson naman ng task force si Internal Audit Service Director Gliricidia Tumaliuan-Ali. Kabilang din dito sina Human Resource and Administrative Service Director Michael Villafranca, Officer-in-Charge Director, Stakeholders Relations Service Andro Santiago, at Atty. Ken. Edward Sta. Rita.

Inaasahan na ang tsak force na ito ang magrerekomenda kay Villar ng dapat gawin laban sa mga tiwaling opisyal at empleyado ng DPWH sa oras na mapatunayang sangkot sila sa korapsyon.

Noong Lunes nang isiwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagaganap na korapsyon sa mga proyekto ng ahensya subalit nilinaw ng paresidente na hindi sangkot dito si Sec. Villar.

Napansin din ng Commission on Audit (COA) ang kahina-hinalang P101.690 billion na delayed at unimplemented projects ng ahensya.