-- Advertisements --
Tumaas ang nakulektang taripa sa bigas sa unang quarter ng taon.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC) na aabot sa P11.461 bilyon ang nakulekta mula Enero hanggang Marso.
Ito ay mas mataas ng P4.3-B mula sa P7.159 noong nakaraang taon sa parehas na buwan.
Lumalabas din na mayroong 43 percent na pagtaas sa unang quarter ng taon ang rice imports o katumbas ng 1.14-M metric tons.