-- Advertisements --

Sinimulan na ng Manila City government ang pagsagawa ng targeted mass testing para sa COVID-19.

Ayon sa public information office, humigit kumulang 232 swab tests kada araw ang kayang isagawa ng Manila Health Department at ng anim na district hospitals  ng lungsod.

Kaagad namang ipapadala sa Research Institute for Tropical Medicine o sa University of the Philippines’ Philippine General Hospital (UP-PGH) ang mga swab samples para ma-proseso ang mga ito.

Sinabi ni UP-PGH Director Dr. Gap Legaspi, mailalabas nila ang resulta ng mga tests na ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.