-- Advertisements --

Dalawang linggo munang naka-lockdown ang tanggapan ng NAIA Task Force Against Trafficking (NAIATAFT) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa tatlong Manila airport terminals.

Ito ay makaraang apat na mga kawani ang nagpositibo sa COVID-19.

Magtatagal ang lockdown hanggang July 22 habang isinasailalim sa disinfection at cleansing measures ang mga opisina.

Kinumpirma naman ng tanggapan ni IACAT DOJ Undersecretary-in-charge Emmeline Aglipay-Villar na ang apat na empleyado ay mula sa 18 workers na sumailalim sa swab tests sa Philippine General Hospital.

Ang naturang mga staff ay nasa frontlines at regular na nakakaharap ang mga dumarating at umaalis na pasahero sa NAIA.